Ang Canada ay isang malawak na bansa na may mga pangunahing lungsod, maunlad na mga suburb, mga progresibong sentrong pang-industriya at kamangha-manghang bakasyunan. Ang kultura at heograpiya ng Canada ay kamangha-mangha. Kung ikaw ay nagbabalak na bumili ng bahay, isang real estate galing sa REALTOR® ang makakatulong sa iyo na makahanap at bumili nito.
Ang Canada ay tahanan sa isa sa mga pinaka-sopistikado at maaasahang real estate sektor sa mundo, na may malinaw na mga karapatan sa pag-mamay-ari, mahigpit na propesyonal na pamantayan at isang pinagkakatiwalaang rehistradong lupa at mga papeles.
Ang pagtratrabaho sa loob ng sektor na iyon ay para sa mga kwalipikado, sinanay at lisensiyadong mga propesyonal sa real estate na nagdadala sa titulo ng REALTOR®, na handa upang tulungan kang magsagawa ng mga transaksyon sa real estate sa Canada. Ang lahat ng ito ang bumubuo ng isang mahusay na bansa kung saan maayos ang real estate.
Ang REALTOR.ca ay ang pinakatanyag at pinagkakatiwalaang plataporma ng real estate ng Canada na nagpapakita ng mga residensyal at komersyal na listahan mula sa REALTORS® sa buong bansa. Mahalagang tandaan na ang REALTOR.ca ay hindi isang MLS® System. Ito ay isang website ng advertising na nilikha ng Canadian Real Estate Association (CREA) upang bigyan ang REALTORS® sa buong Canada na pagkakalantad ng listahan sa isang pambansa at internasyonal na madla.
Ang listahan ng nilalaman na na-advertise sa REALTOR.ca ay mula sa iba't ibang MLS® Systems na pinamamahalaan ng mga lupon at mga asosasyon ng real estate sa buong Canada. Ang REALTOR.ca ay binabayaran ng REALTORS® at pagmamay-ari at pinamamahalaan sa kanilang interes ng CREA.
Kung naghahanap ka ng bahay, ang pagpili ng isang REALTOR® ay dapat ang iyong unang hakbang.
Ang REALTOR.ca ay maaaring makatulong sa pagkonekta sa REALTORS® upang makahanap ng lugar na karapat dapat para sa iyo.